Friday, April 8, 2016

MT. PINATUBO ADVENTURE

MAGICAL CRATER LAKE
MT. PINATUBO


the Mt. Pinatubo Eruption in June 15, 1991 caused the lost of many lives and damages in properties, however, the destructive eruption of Mt. Pinatubo exposed its magical crater and  beautiful natural landscape, it become one of the famous volcanoes in the country after its eruption.

                           
Joiner lang ako sa trip na to, medyo maypagdadalawang isip kasi medyo namamahalan aq sa magagastos, compare ko sa dating budget na naresearch ko last year. dahil sa nahihiya narin ako mag back-out at dahil din sa lastday na ni Joyce na nakakasama ko sa bawat hike, sumama parin ako,
expected ko na ang ganong gastos because peak season at summer Vacation ng karamihan and one week nalang ay Holly week na. 

last year ko pa pinaplano na makarating sa Crater ng Mt. Pinatubo dahil sa maganda talaga sya  at doon din na shoot ang movie na Crazy Beautiful You kung saan maslalo itong sumikat.

March 19, 2016 call time 2am sa may Solid North Cubao Terminal, ang aga diba kasi dapat namin mahabol ang Cut-off, sabi kasi sa ibang blog Military base ang dadaanan at hangang 10am lang pwede makadaan or makapasok ang mga hikers sa Capas Tarlac. a week before din nag pa reserve na sina Abby at Niña ng 4x4 owner type jeep, 1300 per head sa mismong jump off point narin ng Capas ito babayaran,

ok, so we ride a bus in Solid North Cubao Terminal Bound to  Capas, Tarlac for 172 pesos, once at Capas Junction McDonalds you can either take one of the many waiting tricycles for 24km ride direct to Tourism office or the starting Point in Brgy. Santa Juliana,  300pesos ang bawat trip ng tricycle for three persons lang, dahil apat kaming sumakay so 400pesos binayaran namin, 100pesos/ head

sa Jump off point, kaylangan mo mag register and wait for your tour guide na i assign sa inyo nung Tourism office and syempre yung 4x4 vehicle  na sasakyan nyo, dahil hindi pa kami nakain noon, nag hanap kami ng mabibilhan. we just take out the rice and can goods at sa 4x4 Vehicle na namin ito kinain, bukod sa take out pwede ka rin magpaluto ng gusto mo para sa lunch pagbalik nyo(actually late lunch kasi mga 4pm na kayo makakabalik at walang mabibilhan sa mismong Crater). pero pwede karin magbaon at doon kainin sa crater.

mga 9am umalis na kami, an hour ride using 4x4 vehicle to the trekking point actually is the first adventure. Bakit? because the route is curved by rocks, and lahar made from eruption, so expect a bumpy and thrilling ride with alikabok in the air..



bali 10 kami sa group mga ka officemate ko sila lahat..

Me, Jannet, Jec, Bamba, Joyce, Abby, Ivy, Niña, Rj and Randy

after an hour using 4x4 ride going to the trekking point, our trek started at 9am, it is a 2 hours trek going to the crater, you will pass dried river beds, river, rocky terrains and a lahar deposit along the way..







 after a two hours of trek, we made it! nag pakita na samin ang majestic crater ng Mt. Pinatubo,
nag rest muna kami, para hintayin yung 5 pa naming kasama, bali nag dalawang group kami 5 lang kada person ang laman ng 4x4,





                                      



Mt. Pinatubo's Crater Lake

Yung hindi mo ma explain, ang ganda nya, pagkatapos nung eruption, ganun yung kalalabasan?
kaya pala tawag ng karamihan ay majestic Crater, para kang nasa buhay na painting, parang 3D na paintings lang, it is picturesque from all of the pictures I've seen.



nagtagal kami sa crater, bago kami nag decide na bumalik na sa starting point, nag ask kami sa tour guide namin kung saan pwede maligo? kung may falls na pwede paliguan itinuro kami sa isang maliit na ilog at doon kami nagbabad at naligo, kasi sobrang init at maalikabok, doon narin kami nagbanlaw at nag sabon kaysa sa Brgy. Sta. Juliana pa 50 pesos din kasi ang ligo, pero along the way baliwala din kasi sobrang alikabok ng dinaanan namin...

Budget and Expenses

from Solid North Bus Terminal 172pesos (aircon bus) bount to Capas Junction
Capas Junction Tricycle 300pesos (100/head for two way is 200pesos/head)
1,300 pesos for 4x4 vehicle, tour guide and other fees
going back to Manila from Junction Capas Bus ordinary 142.

Budget ko for the Trip 2, 200 pesos...








Thursday, April 7, 2016

MT. DARAITAN/ TINIPAK RIVER AND CAVE

BEGINNER NO MORE
ALMOST 80 DEGREE SLOPE W/ MUDDY TRAIL EXPERIENCE

This hike was cancelled 3 times on its original schedule because of unexpected reasons,
yun bang akala nyo hindi na talaga matutuloy, kasi parang ayaw talaga kayong patuloyin ng panahon, una kasi ung iba may mga lakad or umuulan naman a day before ng mismong hike, pati yung nagyaya na si Niña at Boyfriend nya na si RJ naiinip na kasi hindi sya matuloy-tuloy, pero 1 month after its iriginal scheduled natuloy din kami, bali 10 pax talaga kaming aakyat, 5 kaming sumunod sa usapan na sa shaw magkikita yung 5 naman nagsarili ng lakad, hehehe! pero ok lang atleast natuloy parin,

March 5, 2016 usapan namin noon 2am call time, pero nagtanong kami sa mga driver sa Shaw Boulevard kung may nabyahe na ng ganung oras papuntang Tanay, wala daw, ginawa naming 3am kasi 4am ang first trip dipende kung mabilis lang mapupuno yung Van, yes! UV express from Shaw starmall bound to Tanay ang sinakyan namin, mga 4:30am na bago kami nakaalis, this will be an Hour and  half  ride to Tanay Market, then from Tanay Market we ride a tricycle bound to Brgy. Daraitan estimated Travel time 2hours, bago kami dumating sa Brgy hall ng Daraitan nagkaron kami ng stop over to see the sea of clouds sa malabunduking tanawin sa paligid namin.



    RJ and Niña / Lovely and Renato                          

ok, Oo 2ng couple at isang single sa hike, hindi ko na siguro dapat sabihin kung sino yung single.

sa Brgy. Daraitan we get off at their Brgy Hall kung saan din ang jump off point at doon din ang registration kung saan magbabayad ng Enviromental fee na 20pesos,  ask for a tour Guide ang tour guide fee is 500 pesos pag overnight naman ay 1,200 pesos. bago kami mag start ng trek kumain muna kami ng breakfast para may lakas paakyat.


dito narin kami bumili ng pagkain for Lunch, kasi syempre wala naman mabibilhan sa Summit or sa kalagitnaan ng hike, meron man tubig or energy drink lang ang pwede mabili. dahil gusto din namin makaakyat ng maaga nag start na kami pagkatapos kumain,

at first nagkakatuwaan pa, then habang tumatagal natahimik na ang bawat isa ahahhaha!
ang mahirap pa sa trail ay sobrang putik na mabato.



Medyo mabilis kami sa mga ibang hikers na nakakasabay namin kasi gusto namin na makababa din agad para ma enjoy naman namin ang Tinipak river at yung cave..nung medyo nasa gitna na kami ng pagakyat grabe yung Fog nakikita namin na may mga ulap at water vapor (di ko alam tawag eh) na lumulutang sa paligid namin at yung paligid namin makapal talaga yung Fog. kita mo naman sa dahon ng mga halaman at sa sapot ng gagamba na merong moisture in the air, hahaha!




sabi nga pala ni Kuyang Tour guide para sa kanila kaya daw nila ng 1hour lang papuntang summit sa mga hikers naman two and half hour, ang pinaka matagal daw ay six hours dipende sa facing at trail kung maputik syempre mas matagal, samin narating namin ang summit ng Two hours, pababa three hours din,

yung lima naming kasama na na late kasi tinanghali daw ng Gising inabutan sila ng Cut-off nakaakyat na sila mga 10am na at sa long trail sila pinadaan, opo may cut off 350 lang ang first na pwede makaakayat para daw maiwasan ang sobrang dami ng tao sa peak.
sobrang nakakapagod but this though  experience is worth it when you reach the summit, be ready to amaze yourself with view of Sierra Madre Mountains and Daraitan River.





mga 3pm na rin kami nakababa, nag traverse kami sa Daraitan River na ano pa para maligo, inuna namin yung Tinipak Cave para hindi ganun Kahaba ang Pila,





MA-Amaze ka sa loob ng Kweba kasi ang Ganda at yung magiging curious kung saan nanggagaling yung tubig at saan din lumalabas? parang natural jacuzzi, na malamig ang tubig, then after cave syempre nagbabad sa labas sa Tinipak river, ang sarap ng tubig at ang linaw na ayaw mo nang umahon.




mga 5pm pack-up, may shower area pala doon sa may camp site, need lang mag bayad ng 10 pesos
may makakainan din ng Lomi, masarap yung Lomi try nyo, mga 6:30pm dumating na yung 5ng kasama namin na nalate, hindi na nila narating yung Cave nag river nalang sila, nauna narin kami pauwi.

sa mga gusto mag camping or overnight pwede kayo mag rent ng tent for 320 pesos, tulad ng ginawa nung limang kasama namin. bago sa tourguide syempre another bayad yung nga 1, 200pesos.


Expenses?Budget
from Shaw Starmall UV Express Van bound to Tanay Market 70 pesos (140pesos two way/head)
from Tanay market ride a tricycle bound to Barangay hall of Mt. Daraitan 500 pesos, if you are 5 in a group 100pesos/head (200pesos two way/head)
Registration fee 20 pesos
tour guide 500 for 10pax, like us we only have 5 so we pay 100pesos/head for Day trek








Wednesday, April 6, 2016

SUNSET@ANINUAN

PUERTO GALERA
SHORT VACAI

Feb. 20 to 21, 2016 bago pa maging crowded ang mga beach dahil sa mag summer na, inunahan na namin ang ibang bakasyunista,  Feb. 20 4am expected time of departure from Dasmariñas Cavite UV express terminal bound to Batangas Pier medyo tinanghali na kami nang alis kasi hinintay pa namin mapuno ang 14 Seater na Van, nakarating kami ng Batangas Pier almost 8am na, batangas Pier sumakay kami ng motor Bangka bound to Puerto Galera 2hours din byahe then we get off to Tamaraw beach resort na katabi lang ang Sunset@Aninuan beach resort.

 Te Icee, Ate Ricee and Nher

Batangas Pier

along the way, ma eenjoy mo ang magandang view lalot malapit kana sa  Puerto Galera
hindi man ganun kaganda katulad ng Elnido, dahil medyo matangal narin nung last na nag Beach Vacation ako, na appreciate ko parin ang ganda ng mga beaches na dinaanan namin


time of arrival sa Tamaraw beach 10 in the morning, dahil 12:00pm pa naman ang check-in namin sa hotel, kumain muna kami at nagala muna sa beach front at sa resort

 Sunset@Aninuan Beach Resort
 Beach Front
Beach Pebbles

it is an overnight vacai, a very short vacai! pero na enjoy din namin sya,
                         maraming activites na pwedeng gawin sa resort, like snorkling, kayaking
pwede ka mag billards, may Gym or enjoy the beach and swimming pools and  wait for the beautiful sunset..





if gusto mo naman mag party-party pwede ka pumunta ng White Beach where you can watch a
fire-dancer, a gay talent na nag perform sa stage samay beach front or magpa massage sa buhanginan
mag pahenna tattoo katulad ko.



  at humanap ng makakainan dahil marami din doon sa white beach na pwede pamilian kung anong gusto nyong kainin,
               This Vacai is short but sweet, nakakabitin pero ok lan sa susunod hindi na need mabitin pa.
kinabukasan nag snorkling kami and kayak then 12 lunch after lunch pack-up na kasi 1pm need na namin mag check-out..

                                                         Expenses and Budget
150pesos X 2 for Van transfer from Dasmariñas bound to Batangas Pier
700 pesos seafare roundtrip from Batangas Pier to Galera- Galera to Batangas Pier
5000 pesos for 5pax  hotel accommodation overnight stay at SUNSET@ANINUAN BEACH RESORT
extra budget for meal and pasalubong

naging Budget ko is 4k!!!


  

 




ILOCOS SUR/NORTE

UNEXPECTED JOURNEY
BYAHENG ILOCANDIA

Dec. 2 to 6, 2015, for some reason hindi sana Ilocos ang byahe ko sa mga araw na ito nakabook kami ng CDO, Camiguin and Bukidnon, naka bayad na kami sa airfare pero dahil marami nag back-out at 3nalang kaming natitira di narin ako sumama sa laki ng magagastos, so i decided na Mag hanap nalang ng ibang mapupuntahan dahil din sa naka leave na ako sa mga araw nayon, a-week before ng ILocos ko nag Ilocos din ang mga ka officemate ko, so nagtaka sila bakit hindi nalang ako sumama sa kanila, siguro sa isang dahilan ang makalimot, mag isip-isip at kalimutan ang lahat ng mga nangyari at magsimula muli! (Oo may pinaghugutan ang Ilocos ko)hahahaah!

Dec. 2, 2015 9pm ETD and  Dec. 3, 2015 5:30 ETA first stop namin ay ang Makalumang Bayan ng Vigan na nakakamangha dahil na preserved nila ang ganda ng mga lumang bahay nung panahon pa ng mga kastila..



bali naka Tour ako noon, 3300 ang binayaran ko sa tour eto ang Itinerary namin for the Ilocos Trip


Day 00 

0900pm Assembly Trinoma Mall Open Spaced Parking 1000pm ETD to Ilocos 

Day 01 
0530am Sunrise viewing Sta Bridge 
0700am ETA at Vigan, Breakfast Hidden Garden
 0800am Tour around Baluarte, Crisologo Museum, Burnayan, Bantay bell tower 
1000am ETD from Vigan to Batac 
1130am ETA Batac, Lunch 
0100pm Tour around Marcos Maosoleum, Paoay Church, Malacanang of the North, Sand Dunes 0330pm ETA at Laoag and visit the Sinking Belltower 
0430pm ETA at Bangui Windmills 
0630pm ETA Saud, Check-in, Dinner

Day 02 
0600am Wake-up call. Breakfast 
0700am Treking to Kabigan Falls 
0900am Tour around Patapat Viaduct, Bagong Lipunan, Paraiso ni Anton 
1100am Bantay Abot Cave 
1130am ETA Blue Lagoon, Lunch 
1200pm Lunch, Swimming, Explore Blue Lagoon 
0530pm Return to Saud 
0600pm ETA Saud, Dinner, Socials 

Day 03 
0500am Wake -up call 
0530am Breakfast, 
0600am ETD from Pagudpud 
0700am ETA to Cape Bojeador Light House 
0730am ETD from Cape Bojeador
0800am ETA Kapurpurawan rock formation, explore and picture taking
0900am ETD to Vigan
1100am ETA to Vigan, Lunch, walk around Calle Crisologo buy pasalubong and souvenirs
0100pm ETD from Vigan
1200mn ETA Manila

bukod bayad sa tour need mo din ng budget for meal, and pasalubong!

May nagtanong sakin bakit daw parang ang lalim nung iniisip ko sa mga pictures ko?
sinabi ko nalang na Ang ganda nung place at ang sarap mag reminisce, yun bang sarap mag move on sa lugar nayon at sarap iwan doon yung mga hindi magagandang pangyayari, na pagbalik mo ng manila yun bang ready kana to face lahat ng problema na darating pa kasi iniwan mo na sa Ilocos! :)

" Dahil sa halos every week ends ay nagbabyahe yung Driver namin sa ilocos sya narin ang nagsilbing tourguide namin at lahat ng nasa Itinerary namin ay nasunod.

Photos shot in Ilocos:


 VIGAN, CALLE CRISOLOGO

 ILOCOS NORTE SUNSET

 MALACANANG OF THE NORTH

CAPE BOJEADOR LIGHT HOUSE

 KABIGAN FALLS

 BANGUI WIND MILLS

BALUARTE


Paoay Church

NEAR BANTAY ABOT CAVE

 PATAPAT VIADUCT



         YES ILOCOS IS ONE OF THE DESTINATION NA MASARAP PUNATAHAN SA NORTE
KUNG MAY BUDGET NAMAN KAYO, WHY NOT TRY TO TRAVEL, NAG-EENJOY KANA NAKAKALIMUTAN MO PA PROBLEMA, KAYA LAN GAGASTOS KA DIN TALAGA!

                                            BUKOD SA 3300 NEED MO PA NG MALAKILAKI BUDGET PARA SA FOOD FOR BREAKFAST, LUNCH AND DINNER, AT MGA PASALUBONG NA PWEDE MO MABILI SA ILOCOS, LIKE SUKANG ILOCOS!!!

NAGING BUDGET KO ALMOST 7K FOR THIS TRIP