EL NIDO (PALAWAN)
I started to travel last year January 2015, it is my first time na mag travel local across the sea
(di ko na isama yung Mindoro when i ride a RORO going to Calapan Oriental Mindoro for a Regional Camping kasi hindi naman gala yun, may rules and may bantay di pwede gumala ayon sa kagustuhan mo. Elementary pa ako noon), and yes first time ko to ride a plane mostly kasi tricycle, jeep and bus lang ang nasasakyan ko.:), kaya nung Niyaya ako ni Ate Icee, may pagdadalawang isip pero pumayag narin ako at unang tanong ko nun " Magkano ang magagastos?" miski nalalakihan ako sa budget sige lang "GO NA AKO" and my First Destination El Nido Palawan lang naman!!! 2 months preparation and sobrang pagtitipid para lang makuha yung target na budget for the tour, miski sobrang mahal ginusto ko narin kasi sobrang BORED na ako noon, parang need ko yung new life, kasi umiikot ang mundo ko sa trabaho, boarding house and bahay sa Cavite tuwing week ends, Diba sobrang BORED! nakapag pabook na kami sa Cebu Pac. and Php3700 roundtrip ang Airfare na nakuha ko, bali ako yung last na na nakapag pabook, nauna na kasi ang pinsan ko at ibang kasama namin, promo yung nakuha nila,skin ay hindi.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhhz8l0hPqVytAcx3UEQkfoE_7sSjoiOBV61lnvuGfolL5zXeRAPaqEXg802YnE9gkiiLNkaXiizrfTSABExfGR9hKShUZX1szzxyRfAwwDHBNWkyQbfYWxdTMsxFGmyjqxJtfHf9uVeuc/s320/unspecified.jpg)
January 14 to 18, 2015 our Vacation Date, so excited for that Day to come, maslalo ako naging excited when i do some readings at syempre nag research ako regarding how beautiful El Nido is, puro positive nabasa ko.
maganda daw, makakapag relax ma-eenjoy mo daw lahat and maiinlove ka sa lugar na prang ayaw mo nalang umalis! Wednesday Jan. 14, 2015 4:30am ang Flight namin 6:30am dating namin Puerto Princesa then 6 hours byahe by land papuntang Elnido.
El- Nido narating ko na sya, Yung daw naging makatotohanan! yung bang nabubuhay ka sa larawan na tinitignan mo lang dati! sulit ang byahe..buti nalang naramdaman ko yung pagka Bored...yung nagsasawa kana sa ikot ng buhay mo, dahil don narating ko yung paradise na tulad ng Elnido!
we arrived at Doulegem Beach Resort and Hotel siguro mga 3pm na, because of tiredness and luck of sleep nagpasya kaming magpahinga nalang muna, oo pagdating ko tulog agad ako, nagising ako mga 8pm na, dahil hindi narin masyado makatulog i decided na tumambay sa may beach front ng Hotel
ang ganda ng El-nido kaya pala ang mahal " yun nalang nasabi ko" pero sulit :).. why it became so Expensive? nasanay siguro ang mga locals na puro Foreigner ang costumer nila, iyon pa isa " masmarami ang mga tourist na Foreigner kaysa Filipino and locals, para kang wala sa Pilipinas..
DOUBLEGEM BEACH RESORT AND HOTEL
ROOM
DOUBLE GEM BEACH FRONT
January 14 and 15 island hopping then January 16 rest by the beach within the mainland of Elnido,..
- Island hopping includes small Lagoon, Big lagoon, seven commando, ,matinloc shrine, helicopter Island, turtle Island, papaya beach etc... and we experienced a real beach lunch out, ahahaha! solved na sa island hopping because of those islands that are so beautiful busog pa sa lunch! Yes Every tour or island hopping ay kasama na ang lunch at yung tour guide nyo ang mag prepare nyan wala kayong gagawin kundi mag swimming, snorkling at humiga sa buhangin... Sa food kumpleto sya may meat, sea food, vegetable and fruits at may malamig na malamig Soft-drinks!
lunch by the beach
2days of island hopping and 1 day of relaxation sa Nacpan Beach and half hour na trek paputang Bulalacao falls YES! Elnido is not all about Lagoons and Beaches, may water falls din sya..
bulalacao falls
Na Enjoy ko Talaga ang Elnido Trip namin, sabi ko nga Isa sya sa mga gusto ko balikan one day, yung rock formations, yung mga islands, yung mga beach ang maputi at pinong buhangin yung waterfalls, yung katahimikan ng lugar, yung malapit ka sa nature kasi magubat at mabundok, Elnido is complete for those who are looking for relaxation, soul searching, sa mga nakakaranas ng broken heart at gusto mag move-on, sa mga lovers, single sa mga gusto mag proposed sa mga gusto magpakasal ano pa, name it pwede lahat yan sa Elnido, i ended up lastday sa Elnido sa beach front ng tinutuluyan namin, i want to see how beautiful and magical the sunset in Elnido, and yun hindi ako nabigo nagpakita si Sunset, and ang ganda na parang sinasabi nya na balik ka agad!
Elnido Sunset!
reminder lang ihanda nyo na yung Php.220 per meal, pwede din naman mag paluto sa hotel kung anong gusto nyo, or gumala papunta sa mismong El Nido market pero remind lang po mahal talaga ang per serving ng Meal, kaya kung balak nyo mag stay sa El nido ng ilang araw handa nyo talaga ang budget nyo, kasi medyo mabigat sa bulsa, PERO SULIT NAMAN!
Sunday morning preparation kasi pabalik na kami ng manila, 5 in the afternoon ang flight namin, kala nga namin baka ma cancel ang flight because of typhoon and also Pope. Francis was here for a Visit,,dahil 6hours byahe pabalik ng Puerto Princesa maaga kami umalis ng El-nido,
mga 1pm nasa Puerto Princesa na kami nag lunch kami sa Banjao Seafront, kakatuwa ang restaurant na ito kasi ang dadaanan mo ay puro mangroves at pagpasok mo sa loob, ganda ng place...
after kumain syempre we bought some pasalubong and souvenir, like tshirts, nuts, dried fish like tuyo and dilis, i remembered a very special person of mine na to look for a personalize tshirt and i went to market place, maganda nga ung mga design pero mahal, hehehe, dahil malapit lan sa Airport yung market kung saan kami namili hindi namin need mag madali, 2pm check-in sa airport then yun na..
PASAY CITY AERIAL SHOT
ELNIDO SHOT!
Sa Nagtatanong magkano ang naging Budget ko, eto na po!
Php8,500
for hotel accommodation sa Doublegem Beach Resort and hotel ,included na po doon yung breakfast Van Transfer Puerto Galera to El-Nido, and Elnido to Puerto Galera, pati yung Van transfer sa loob ng Elnido, provided sya ng hotel, yung land arrangement yung mga island tours, tour guide and lunch habang nag island hopping kayo included narin po doon,
for hotel accommodation sa Doublegem Beach Resort and hotel ,included na po doon yung breakfast Van Transfer Puerto Galera to El-Nido, and Elnido to Puerto Galera, pati yung Van transfer sa loob ng Elnido, provided sya ng hotel, yung land arrangement yung mga island tours, tour guide and lunch habang nag island hopping kayo included narin po doon,
Php. 3700 for airfare roundtrip Cebu Pac.
almost Php16,000 ang naging budget for 5days and 4nights kasama na doon yung lahat pati ibang expenses like foods and pasalubong,
very informative and exciting blog..can't wait to read more..more power!..thumbs up
ReplyDeletethanks!!!|
ReplyDeleteindi lang ito may iba pa aqng blog,
about sa travel, may 2 aq na need ko pang tapusin.. :)