MT. BATULAO (BATANGAS)
JUNE 27, 2015 dahil nagustuhan at nag enjoy sa Mt. Pico de Loro miski sabihin na nahirapan
Nag organise ulit ako nang isa pang akyat, at ang napili na sunod na akyatin ay ang Mt. Batulao sa Batangas, ilang Lingo na naudlot kasi parati nalang naulan,naituloy din namin, kasi sabi nga ni Mang Tani sa weather news hindi daw makakaapekto ang bagyo sa Region IV, pero madaling araw palang ng June 27 umuulan na at walang nakapigil samin umakyat miski medyo inabutan na kami ng liwanag bago nakaalis, 10 kami sa Group
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjwyHyHTfY1IzYNvBTn-C3Pyni8JJTUDKIq0hujsZrQ6Qk_j-Bivxk_IOToheaKLQjz4Z2pFUpdQgEfkPuDaWP3_Mzp5K87r_tJxgUx5iSRSObBK-MQtkkM9Sx-tT8ipjRxGFl93xbOZ1g/s320/11705205_10206462468016343_1589636116902547592_n.jpg)
Te Icee, Kath, Abby, Rodel, Nerisa, Chad,Ershie,
Joyce and Eugene ako ung nag shot ng picture :)
meeting place DLTB BUS Station Buendia, From Buendia, take a DLTB bus bound for Nasugbu which costs around P120. Travel time is 2-3 hours, get off at Evercrest kung gusto nyo umpisahan nyo na yung trek from evercrest papuntang registration area or ride a tricycle for 100 pesos. May dalawang Registration area isa sa jump off which is free and isa sa peak 8 campsite na 30 pesos.
so nag start na kami mag trek,tinanong ko yung batang naging tourguide namin, hindi kasi ako pamilyar sa Batulao, tinanong ko saya nung nakita ko yung sign sa bato na PEAK 1, may ilang peak ba ang Batualo? sagot ng bata hangang peak 10 po. ah ok, Mt. Batulao is a grassland medyo mainit kasi walang puno, compare mo sa Mt. Pico more on forest ang lalakaran mo,
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiVNQGYVz230CCaYNKeao3UvrZQrfDY9tETZW9vroG2WY886yMRYvXrcoGRueQQFI_zms7805LL5zeUY4GKiw-fx0UQ8dR5lZnmE3worh7hanCvayxiYCLPQNwSxKK0r03YzrRrnkR6hT8/s320/11057220_10206462303812238_2195135544063781455_o.jpg)
unti-unti nagiging makapal yunmg ulap, masarap umayat kasi maulap, hindi ganung kainit, mabagal ang facing namin sa pagakyat kasi matakaw kami sa Pictures, every Peak ata need may picture..
Yung every Peak na sign mapapa isip ka, gano pa kaya katagal at kalayo bago namin marating yung PEAK 10? :)
3hours din ang inabot namin bago namin narating ang PEAK 10, mas-mahirap umakyat kasi pagkatapos ng ulan sobrang naging maputik naman yung trail, nung nasa peak 10 or summit na kami, mas lalong bumuhos ang napakalakas na ulan buti nlang may payong kundi nabasa lahat ng gamit namin..!!!
mas nahirapan kami pababa kasi sobrang naging maputik yung daan
na halos magdoble na yung swelas ng sapatos mo sa sobrang kapal ng putik..pero atleast nakababa kami ng ligtas, sa Registration area pwede ka maligo at magpalit 20pesos ang per timba ng tubig,
may makakainan nga pala sa may camp site lugaw, Mami/lomi and halohalo...kumain kami doon at kumain ulit kami bago umuwi...
4pm nakapaligo na ang lahat, nakakain narin, pabalik na ulit Manila
Expenses?budget
from Buendia terminal to Evercrest Nasugbu Batangas 120 pesos DLTB bus
from evercrest to jump off/registration Camp. 100 tricycle
Registration Fee 30/head
Registration Fee 30/head
budget ko for the trip is 700pesos!
No comments:
Post a Comment