Thursday, April 7, 2016

MT. DARAITAN/ TINIPAK RIVER AND CAVE

BEGINNER NO MORE
ALMOST 80 DEGREE SLOPE W/ MUDDY TRAIL EXPERIENCE

This hike was cancelled 3 times on its original schedule because of unexpected reasons,
yun bang akala nyo hindi na talaga matutuloy, kasi parang ayaw talaga kayong patuloyin ng panahon, una kasi ung iba may mga lakad or umuulan naman a day before ng mismong hike, pati yung nagyaya na si Niña at Boyfriend nya na si RJ naiinip na kasi hindi sya matuloy-tuloy, pero 1 month after its iriginal scheduled natuloy din kami, bali 10 pax talaga kaming aakyat, 5 kaming sumunod sa usapan na sa shaw magkikita yung 5 naman nagsarili ng lakad, hehehe! pero ok lang atleast natuloy parin,

March 5, 2016 usapan namin noon 2am call time, pero nagtanong kami sa mga driver sa Shaw Boulevard kung may nabyahe na ng ganung oras papuntang Tanay, wala daw, ginawa naming 3am kasi 4am ang first trip dipende kung mabilis lang mapupuno yung Van, yes! UV express from Shaw starmall bound to Tanay ang sinakyan namin, mga 4:30am na bago kami nakaalis, this will be an Hour and  half  ride to Tanay Market, then from Tanay Market we ride a tricycle bound to Brgy. Daraitan estimated Travel time 2hours, bago kami dumating sa Brgy hall ng Daraitan nagkaron kami ng stop over to see the sea of clouds sa malabunduking tanawin sa paligid namin.



    RJ and Niña / Lovely and Renato                          

ok, Oo 2ng couple at isang single sa hike, hindi ko na siguro dapat sabihin kung sino yung single.

sa Brgy. Daraitan we get off at their Brgy Hall kung saan din ang jump off point at doon din ang registration kung saan magbabayad ng Enviromental fee na 20pesos,  ask for a tour Guide ang tour guide fee is 500 pesos pag overnight naman ay 1,200 pesos. bago kami mag start ng trek kumain muna kami ng breakfast para may lakas paakyat.


dito narin kami bumili ng pagkain for Lunch, kasi syempre wala naman mabibilhan sa Summit or sa kalagitnaan ng hike, meron man tubig or energy drink lang ang pwede mabili. dahil gusto din namin makaakyat ng maaga nag start na kami pagkatapos kumain,

at first nagkakatuwaan pa, then habang tumatagal natahimik na ang bawat isa ahahhaha!
ang mahirap pa sa trail ay sobrang putik na mabato.



Medyo mabilis kami sa mga ibang hikers na nakakasabay namin kasi gusto namin na makababa din agad para ma enjoy naman namin ang Tinipak river at yung cave..nung medyo nasa gitna na kami ng pagakyat grabe yung Fog nakikita namin na may mga ulap at water vapor (di ko alam tawag eh) na lumulutang sa paligid namin at yung paligid namin makapal talaga yung Fog. kita mo naman sa dahon ng mga halaman at sa sapot ng gagamba na merong moisture in the air, hahaha!




sabi nga pala ni Kuyang Tour guide para sa kanila kaya daw nila ng 1hour lang papuntang summit sa mga hikers naman two and half hour, ang pinaka matagal daw ay six hours dipende sa facing at trail kung maputik syempre mas matagal, samin narating namin ang summit ng Two hours, pababa three hours din,

yung lima naming kasama na na late kasi tinanghali daw ng Gising inabutan sila ng Cut-off nakaakyat na sila mga 10am na at sa long trail sila pinadaan, opo may cut off 350 lang ang first na pwede makaakayat para daw maiwasan ang sobrang dami ng tao sa peak.
sobrang nakakapagod but this though  experience is worth it when you reach the summit, be ready to amaze yourself with view of Sierra Madre Mountains and Daraitan River.





mga 3pm na rin kami nakababa, nag traverse kami sa Daraitan River na ano pa para maligo, inuna namin yung Tinipak Cave para hindi ganun Kahaba ang Pila,





MA-Amaze ka sa loob ng Kweba kasi ang Ganda at yung magiging curious kung saan nanggagaling yung tubig at saan din lumalabas? parang natural jacuzzi, na malamig ang tubig, then after cave syempre nagbabad sa labas sa Tinipak river, ang sarap ng tubig at ang linaw na ayaw mo nang umahon.




mga 5pm pack-up, may shower area pala doon sa may camp site, need lang mag bayad ng 10 pesos
may makakainan din ng Lomi, masarap yung Lomi try nyo, mga 6:30pm dumating na yung 5ng kasama namin na nalate, hindi na nila narating yung Cave nag river nalang sila, nauna narin kami pauwi.

sa mga gusto mag camping or overnight pwede kayo mag rent ng tent for 320 pesos, tulad ng ginawa nung limang kasama namin. bago sa tourguide syempre another bayad yung nga 1, 200pesos.


Expenses?Budget
from Shaw Starmall UV Express Van bound to Tanay Market 70 pesos (140pesos two way/head)
from Tanay market ride a tricycle bound to Barangay hall of Mt. Daraitan 500 pesos, if you are 5 in a group 100pesos/head (200pesos two way/head)
Registration fee 20 pesos
tour guide 500 for 10pax, like us we only have 5 so we pay 100pesos/head for Day trek








No comments:

Post a Comment